Abante Tonite Interactive

Popsters dismayado kay Matteo

2,423

Bagama’t nag-deny si Matteo Guidicelli sa isyung panununtok ng bodyguard ni Sarah Gero­nimo, samu’t sari ang reaksyon ng netizen.

Ayon sa isang source, sadyang gustong ilihim ni Matteo ang kasal nila kay Mommy Sarah.

Bagama’t maraming nakakasimpatiya kay Sarah, hati naman ang gustong i-justify ang ginawa ni Matteo.

Granted daw na nasa tamang edad na si Sarah at may karapatan na itong magdesisyon para sa kanyang sarili, bilang respeto raw ay dapat ipinaalam nito ang wedding sa biyenan kahit pa sabihing dominante ito pagdating sa lovelife ng anak.

May mga nadismaya rin kay Matteo dahil nauugnay siya sa umano’y pagiging bayolente nito.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nasangkot sa pisikalang isyu si Matteo.
Matatandaang nagkaroon din sila noon ng suntukan blues ni Coco Martin dahil sa pagseselos kay Maja Salvador na naganap sa Star Magic ball.

Ngayong kasal na ang dalawa, hindi maiwasan ng ilang Pops­ters na mag-alala sa kanilang idolo dahil sa pagi­ging temperamental ni Matteo. (Archie Liao)