Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Popularidad ni Pangulong Duterte, kumupas na?

0 464

HUMIHINA at kumukupas na nga ba ang popularidad ni Pangulong Rodrigo Duterte ? Ito ay dahil sa mababa pa rin ang kumpiyansa o tiwala ng mga Pinoy sa bakuna laban sa covid.

Hindi tuloy maiaalis sa mga tagamasid na sa social media na lang popular ang Pangulo dahil sa umano’y troll Army at iba pang mahigpit na taga suporta nito na tinaguriang DDS.

Samantala ay Nagpaturok na ng covid vaccine ang Pangulo at ito ay ang sinopharm na gawa ng China noong May 3,2021
Pero ayon sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS)na isinagawa noong April 28 2021 hanggang May 2,2021 ay 51 percent ang may tiwala sa kabuuang vaccination program ng gobyerno subalit 18 percent dito ang may sobrang tiwala sa bakuna na lubhang mababa kahit pa nagpabakuna na ang Pangulo.

Kung hindi tataas ang tiwala ng Publiko ay mabagal din na maabot ang target na herd immunity na 50 to 70 milyong mamamayan na dapat mabakunahan .

At lalong kakaunti ang nagtitiwala sa covid vaccine na made in China dahil lumitaw ito ng dumating ang Pfizer vaccines na gawa ng Estados Unidos ay dinumog ito ng mga Pinoy na nais magpabakuna sa mga vaccination sites sa Metro Manila.
Kulang na kulang din ang information campaign ng gobyerno o upang ipaliwanag at makumbinsi ang tao na magpabakuna sa lalong madaling panahon kung ito ay available.

SM food to go Banner Ad

Tila natutulog sa “pansitan” ang Presidential Communications Operations Office (PCOO) na dapat ay nagbibigay ng maliwanag at tamang impormasyon sa benepisyo ng bakuna kumpara sa masamang epekto at masuportahan ang Department of Health (DOH).

Sinayang din ng Malacañang at ng PCOO ang pagkakataon na dapat ay pinag handaang mabuti ang pagbabakuna kay Pangulong Rodrigo Duterte upang makahikayat sa publiko upang magpabakuna .

Kung pinaghandaan lang ang eksena sa pagbabakuna sa Pangulo para sa awareness campaign ay malamang na mas tataas ang kumpiyansa ng publiko sa bakuna.

Pero ang nangyari ay biglaan ang pagbabakuna sa Pangulo at ang itinurok na bakuna ay ang sinopharm na made in China na noon ay wala pang Emergency Use Authorization (EUA) .

Isa sa aking ipinagtataka ay kung bakit biglaan at hindi ginawang malaking event ang pagbabakuna sa Pangulo upang mapukaw sana ang kaisipan ng mga taong may duda sa COVID vaccine.

Leave A Reply

Your email address will not be published.