Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Population protection sa NCR abot-kamay na

0 80

Posibleng magiging masaya ang Pasko ng mga taga-Metro Manila kapag ganap na maabot ang 80% target population protection sa susunod na ilang buwan.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nabakunahan sa National Capital Region.

Ayon kay Roque, nasa 71.86% na o katumbas ng 7,025,358 ang nakakumpleto na ng bakuna sa mga taga-Metro Manila nitong Setyembre 26, 2021 at malapit ng marating ang target na population protection.

SM food to go Banner Ad

Kapag aniya naabot ang target ay mas marami ang makakabalik sa trabaho at makapaghanapbuhay at tiyak na magiging masaya ang Pasko.

“Malapit na po mara­ting ang population protection na 80% at kapag nangyari ito, hindi lang magiging masaya ang ating Pasko, magbabalik-buhay din po tayo. Dahil sa bakuna, mas mara­ming hanapbuhay, mas maraming trabaho,” dagdag ni Roque.

Naniniwala ang kalihim na kapag nagtuloy-tuloy ang pagdating ng supply ng mga bakuna sa bansa ay mas mapapabilis ang vaccination rollout at mas maraming­ mga Pilipino ang mabibigyan ng proteksiyon laban sa bagsik ng COVID-19. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.