Abante Tonite Interactive

Pork barrel idinepensa ng Kamara

By
0 174

Todo ang depensa ng ilang kongresista sa isyu ng pork barrel na ikinarga diumano sa 2019 national budget.

Kasunod na rin ito ng pagbubunyag ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson na ilang proyekto ang pinaglaanan ng pondo sa ilalim ng 2019 national budget at isiniwalat na umabot sa P2.4 bilyon ang pork barrel para sa distrito ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo habang nasa P1.9 bilyon naman sa isa pang kongresista.

Ayon kay Compostela Valley Rep. Maria Carmen Zamora, acting chairperson ng House committee on appropriations, hindi niya alam kung saan nakuha ni Lacson ang nasabing impormasyon.

Nang kanya umanong i-check ang kanilang rekord ay wala naman siyang nakita na may kongresistang tumanggap ng ganu’n kalaking pondo.