Abante Tonite Interactive

Pork barrel ng mga mambabatas, buking na

By
33

Nabunyag at nakumpirma na mayroong pork barrel fund ang mga kongresista na nakapaloob sa pambansang budget ng pamahalaan.

Ito ay matapos na magreklamo ang 24 na kongresista na ina­lisan ng pondo ang kanilang mga proyekto sa distrito.

Nagpapatotoo lang ito na mayroon pa ring pork barrel ang mga kongresista na naunang idineklarang iligal ng Korte Suprema.

Para makaiwas sa anumang ligal na ba­lakid ay gumawa ng estratehiya ang mga mambabatas sa pamamagitan ng pagpondo sa mga ituturing na proyekto at ipapaloob na sa pambansang budget.

Hindi maitatatwa ng liderato ng Kamara­ na may pork barrel­ at ang tanging nakinabang dito ay mga kaalyado ng Duterte administration.

Sinabi ng 24 na kongresista na mula sa oposisyon at kritiko ng administrasyon na inalis ang inilaang pondo sa mga proyekto nila sa Distrito sa inaaprubahang 2018 National Budget na nalagdaan na ni Pa­ngulong Duterte bilang batas.

Aminado si Budget­ Secretary Benjamin ­Diokno na normal na umano na mabigyan ng mas malaking pondo ang mga nasa panig ng administrasyon at zero ang nasa oposisyon.

Ika nga ay weder weder lang dahil kung sino ang mga kakampi­ ng administrasyon ay sila ang mas mara­ming pakinabang sa pondo ng bayan.

Kung mananatili­ ang ganitong kalakaran ay magpapatuloy din ang mabilis na balimbingan ng mga politiko tuwing may bagong administrasyon.

Nagsisilbing alas din ng Pangulo ang budget dahil maari niyang gamitin ito upang mas marami ang kumampi sa kaniya at gipitin ang mga nasa oposisyon.

Kahit anong gawin talaga ay hindi mapi­pigilan ang mga mambabatas na kumuha ng pansariling budget para sa Daitrito at nakakahanap sila ng paraan upang lusutan ang batas.

Magagaling ang mga mambabatas natin na nakakaha­nap ng butas upang makalusot para sa pansariling interes.