Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pork import isyu pinaplantsa ng Senado

0 178

Pag-uusapan ng mga senador sa Lunes ang isyu tungkol sa executive order para sa pork import para malaman kung ano ang susunod na hakbang ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso.

Ayon kay Senate President Vicente `Tito’ Sotto III, nagpatawag siya ng “all senators caucus” sa Lunes ng umaga para upuan at plantsahin ang isyu sa pork import.

Kailangan aniyang magkaroon ng kompromiso ang Senado at mga economic manager para maplantsa na ang gusot hinggil sa isyu ng pork import.

“Sa kasalukuyan, I will not go into details dahil masyadong mabusisi,” ani Sotto.

SM food to go Banner Ad

“Hindi ko puwedeng i-preempt ang mga kasama ko. We lead by consensus so kung ano ang puwede sa akin baka `di pwede sa karamihan, isinasa-alang-alang din namin ang local producers,” ayon pa sa senador.

Umaasa umano siya na magkakaroon ng magandang balita sa Lunes o Martes dahil ayaw din niya na magkaroon ng “confrontation” sa isyu ng pork import.

“`Pag `di kami nagkasundo `di ko mapipigilan ang kahit sino sa amin sa Kongreso sa May 17 may mag-file joint resolution at `yong delegated power sa President ay alisin, baka `yon ang pag-usapan so ayaw ko sana makarating doon,” dagdag ni Sotto.

Leave A Reply

Your email address will not be published.