Abante Tonite Interactive

Pork sa 2019 national budget magiging isyu sa eleksyon

287

Maaari umanong umalingawngaw ­bilang isyu sa darating na midterm elections sa Mayo 13 ang pinagtibay na P3.7 trillion national budget dahil sa mga nakapaloob na pork barrel dito.

Ito ang sinabi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon, isa sa mga kumontra sa ratipikasyon ng 2019 national budget.

“Magiging election issue po ‘yan. Pananagutan nila sa taum­bayan kung paano ginagamit itong pondong nakalaan sa budget,” giit ni Drilon.

Kasabay nito, pi nuna rin ni Drilon ang pang-aabuso umano ng ilang mambabatas sa kanilang kapangyarihan na magpasok ng mga amyenda sa 2019 national budget.

Ani Drilon, tulad niya’y dapat din aniyang ilabas ng mga kapwa mambabatas ang mga isinaksak nilang amendment sa budget.

“Hinimok ko ‘yung mga kasamahan natin lalo na sa ­mayorya na ihayag din sa taumbayan kung ano yung sinaksak nilang amendment sa budget,” ani Drilon.