Abante Tonite
Mabilis sa Balita

`Pork’ war konektado sa eleksyon

0 300

Hindi inaalis ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na may kinalaman sa paghahanda para sa 2022 election ang awayan ng mga kongresista hinggil sa P4.5 trillion 2021 national budget.

Inihayag ito ni Drilon sa tv interview sa kanya kung saan tinanong ang senador kung konektado ba sa 2022 election ang gusot sa Kamara kaugnay ng pondo para sa mga infrastructure project.

“I would like to attribute good faith. But you cannot discount that this is part of the preparations for 2022. I have been in Congress long enough to know that if there is anything you should exercise extra vigilance, it is what is called the election year budget,” paliwanag ni Drilon.

Kaugnay nito, nangangamba si Drilon na maapektuhan ang pag-apruba ng Kongreso sa P4.5 trillion 2021 national budget dahil sa `power struggle’ sa Kamara na may kinalaman sa pamamahagi ng mga infrastructure fund sa distrito ng mga kongresista.

“The budget provides the spending authority for the government. If there is no spending authority because of the delay in the budget, what would happen is, there will be a re-enacted budget,” dagdag nito. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.