Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Porma ng engkanto nabulilyaso

0 114

Mga ka-Misteryo dinalaw na ba kayo ng engkanto? Isang dalagita ang binisita ng engkanto at muntik na siyang magahasa na sa akala niya ay panaginip lamang.

Yan ang ating paksa ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”

Si Rosita ng Bulacan ay lapitin ng mga engkanto pero sa pagkakataon ito hindi niya akalain na engkanto pala ang makikita niya na akala niya ay panaginip lamang.

Misteryo: “Paano ba nangyari ito? Sabi mo hindi mo napansin na engkanto pala ang kausap mo habang na sa kabilang dimensyon ka na akala mo ay panaginip lamang.”

Rosita: “Ganito yun, akala ko talaga simpleng panaginip lang. Nasa bahay daw ako ng bf ko at naiwan kami sa isang silid para matulog. Siyempre bf ko yun kaya kampante ako.”

Misteryo: “Ano na sumunod na nangyari? Paano mo napansin na hindi pala siya ang bf mo? Ano ba ang gustong gawin sayo?”

Rosita: “Akala ko nga bf ko siya kaya ok lang magkasama kami sa room. Pero unti-unti nag-iba hitsura niya, naging pangit siya kaya nagpanic na ako.”

Misteryo: “Paano mo nabuking na pangit hitsura niya? May gusto ba siyang gawin? Pinilit ka ba niya?”

Rosita: “Pahiga na daw kami nang bigla siyang umibabaw sa akin at hahalikan na niya ako. Pero unti-unti nagbago anyo niya, nag-transform na siya yung tunay niyang hitsura. Para siyang halimaw at nakakatakot kaya nagsisigaw ako.”

Misteryo: “Pagkatapos nun, ano na nangyari?”

Rosita: “Nagsisigaw ako sa panaginip hanggang sa magising ako, nanginginig ako, takut na takot.”

Ang karanasan ni Rosita ay maaari ding maranasan ng iba. May mga tao talaga na lapitin ng mga engkanto. Wag magtiwala sa kanila na akala mo ay mabait at nanggagaya ng hitsura ng mga kaibigan, kaanak at mismong iyong bf, gf o asawa.”

Marami na ring naitalang kaso na ang mga engkanto ay nanggagahasa ng tao habang natutulog at sinasabing ang iba pa nga ay nabubuntisan pa.

Para sa inyong mga kuwentong karanasan ng kababalaghan, mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph.

Leave A Reply

Your email address will not be published.