Abante Tonite Interactive

Pormal na pagbasura sa peace talks ipoporma na

By
11

Nakatakda na umanong kausapin ng mga mi­yembro ng Government Peace Panel si Pangulong Rodrigo Duterte para sa pormal na ‘notice of termination’ ng peace talks sa Communist Party of the Philippines-National Democratic Front (CPP-NDF).

Ayon kay Government chief negotiator at Labor Sec. Silvestre Bello III, wala silang magagawa sa peace panel kung talagang ayaw nang maki­pag-usap ni Pangulong Duterte sa CPP-NPA-NDF.

Sumusunod lamang umano sila sa pangulo at ito ang nagkukumpas sa kanilang trabaho.

Ayon pa kay Bello, nakatakda silang makipag­pulong kay Pangulong Duterte para pag-usapan ang pormal na terminasyon ng peace talks sa mga komunista.

Kailangang magsumite umano ng notice of termination ang gobyerno sa mga kausap sa National Democratic Front (NDF) at sa Norwegian government na siyang tumatayong third party facilitator.

Makalipas pa umano ng 30 araw pagkasumite ng notice, dito na opisyal na tinatapos ang peace talks.