Abante Tonite Interactive

Porn star Jessica Jaymes yumao na

992

Pumanaw na ang porn star na si Jessica Jaymes. Sumikat siya bilang kauna-unahang contract model ng Hustler na naging miyembro ng AVN Hall of Fame.

Ayon sa source ng TMZ, nadatnan si Jaymes na walang malay ng kanyang kaibigan sa tahanan nito sa San Fernando Valley.

Nang makarating ang medical team sa tahanan ni Jaymes ay idineklara na itong patay. Hindi alam ang sanhi ng kanyang kamatayan at patuloy na iniimbestigahan ng L.A. Country Coroner’s Office.

Nagsimula niyang pasukin ang porn industry noong 2002. Pumirma siya sa Hustler noong 2004. Ang kanyang unang adult film na “The Porn Identity” ay inilabas noong 2005 at tinaguriang “Honey of the Year” ng Hustler Magazine.

Halos 200 adult film ang kanyang ginawa at minsan na ring lumabas sa mga episode ng showtime series na “Weeds”. (Ronaline Avecilla)