Abante Tonite Interactive

Porno sa Makati Billboard pinagpiyestahan

3,322

Nagulantang ang ilang commuter habang napatigil ang mga dumaraang motorista nang makita sa isang digital video sa Executive Building Center sa Makati Ave­nue, Makati ang isang lalaking nakahubad na nakapatong sa isang babae habang nagtatalik kahapon ng hapon.

Bandang alas-dos ng hapon nang bigla na lang lumitaw ang mistulang pornographic video sa digital billboard sa may Makati Ave. na nakuhanan ng isang netizen na si Mulong Sermonia na noo’y nakasakay sa isang sasakyan.

Nagulat na lang umano siya nang mag-play ang video ng isang lalaki at babae na nagse-sex.

Abante Hiring – IT dep

Mabilis na inilabas ni Sermonia ang kanyang cellphone at kinunan ang video display sa billboard kung saan makikita ang lalaki na umiindayog habang nakapatong sa babae. Hindi makita ang mukha ng lalaki sa video.

Mabilis na kumalat sa social media ang nasabing video na pinagpiyestahan ng mga netizen.

Natukoy na ang Team Viewer na isang uri ng computer software application ang ginamit sa billboard. Ito ay internet-based na puwede sa file transfer at desktop sharing. Ang sinumang gumagamit ng software na ito ay maaaring maka-access sa server o computer.

Ayon sa Facebook ­account ni Sermonio, nagulat siya pero natawa nang makita ang nasabing video clip. Aniya, marami ang nakakita at nakapanood gaya ng mga naglalakad, mga driver at pasahero na dumaan sa lugar.

May mga huminto pa umanong mga motor at naka-van at nanood ng sex video.

Habang isinusulat ang balitang ito ay walang reaksyon ang Makati government o sinumang ahensiyang nangangasiwa sa mga billboard sa lungsod.

Gayunpaman, naniniwala ang marami sa netizen na prank o na-hack ang nasabing billboard kaya’t napasok ang eskandalosong sex video dahil bawal ang mga ganitong palabas sa mga pampublikong lugar.