Abante Tonite Interactive

Port crisis: PPA kinalampag ng COVID task force

530

Pinakilos ng Inter-Agency Task for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang Philippine Ports Authority (PPA) para i-pull out ang mga nakatenggang container van sa Manila Port upang mabawasan ang problema sa pagsisikip ng pantalan sa panahon ng lockdown.

Sinabi ni Secretary to the Cabinet Karlo Nograles na paulit-ulit na nilang pinagsabihan ang Bureau of Customs (BOC) na bilisan ang proseso nila para maiwasan ang bottleneck sa pantalan.

Gayonman, itinuro aniya ng BOC ang PPA na siyang problema dahil naproseso na nila ang mga kargamentong kailangang mailabas sa ahensiya.

“According to BOC wala na po sa kanila ang bottleneck, tapos na po ang proseso nila sa lahat ng mga kargamentong dapat na ma-withdraw at naipon na sa ating mga ports,” ani Nograles.

Dahil dito, nanawagan ang kalihim sa PPA at sa mga consignee na i-pull pout na ang kanilang mga container para maalis ang pagsisikip sa mga pantalan sa bansa.

“According to PPA, kino-contact na nila iyong consignees ng mga kargamento para maalis na ang mga ito sa port area,” dagdag ni Nograles.

Isa sa tinitingnang dahilan ng AITF kung bakit may mga pangunahing supply na wala sa supermarket at grocery store ay dahil natengga ang mga ito sa mga pantalan sa bansa.

Tinatayang nasa 40,000 container van ang patuloy pa ring nakatengga sa Manila Port matapos ideklara ang enhanced community quarantine sa buong Luzon. (Aileen Taliping)

Tonite – Wendys Inhouse Ad