Abante Tonite Interactive

Port shutdown namumuro

476

Napipintong magsara o mag-shutdown ang operasyon ng Philippine Port Authority (PPA) kung hindi masosolusyunan ang krisis ng mga dagsang kargamento na nakatengga sa pantalan .

Nauna dito, nanawagan ang Philippine Port Authority sa mga may-ari ng mga kargamento na kunin na ang mga ito sa lalong madaling panahon upang lumuwag at hindi mapuno ang mga pantalan sa pagdating pa ng maraming kargamento sa Maynila.

Sinabi ni PPA General Manager Jay Daniel R. Santiago na posible ang port shutdown anumang oras kapag hindi tutugon ang mga consignee na alisin ang mga `ready for delivery’ at `overstaying’ na mga kargamento.

“Despite efforts to transfer cleared and overstaying containers from the Manila International Container Terminal (MICT) to a facility inside the Manila North Harbor, there is still not enough breathing space for the Manila port terminals to operate efficiently and productively,” sabi sa PPA a statement.

Sa kasalakuyan ay puno na umano ang bodega ng Manila international port na binubuo ng MICT at South Harbor dahil marami sa mga cargo dito ay matagal nang nakatengga simula nang ipatupad ang community quarantine mahigit dalawang linggo na ang nakararaan.

“Ports, specifically the Manila ports, are the lungs of the country’s commerce and trade. These lungs right now are not functioning efficiently due to congestion,” sabi ni Santiago.

“If we continue to ignore calls to withdraw even only those cleared, ready for delivery, and overstaying cargoes, these lungs are in danger of total collapse, resulting in full-blown port congestion, or worse, a shutdown, and consequently a shortage in the much-needed goods and supplies which are expected to address the demands of the market,” dagdag pa nito.

Noong Biyernes umapel a ang International Container Terminal Services , Inc ( ICTSI) sa mga consignee na alisin o tanggalin na ang mga refrigerated containers sa lugar.

Binigyan din ng opsyon ng ICTSI ang mga nagpoyante na walang mapaglagyan ng kanilang mg kargamento.

“Please utilize our offsite facilities in Laguna, Bulacan, or Cavite. Special accommodations are available for anyone who utilizes these facilities,”sabi pa nito .

Nanawagan din ang ICTSI sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases na pabilisin ang proseso sa pag-apruba ng transfer ng mga nakatambak na kargamento sa Bureau of Customs.

Kasama na dito ang nasa 7,000 Twenty-foot equivalent (TEU) containers na nasa yard ng mahigit ng 30-araw at ang mahigit na 5,400 TEUs halaga ng mga `uncleared, overstaying boxes.’

“All cleared boxes in the yard more than 30 days old should have approvals facilitated for the transfer to external facilities without delay,” sabi pa rin statement.

Tonite – Wendys Inhouse Ad