Abante Tonite Interactive

Porter binitawan ng Wizards kapalit nina Parker, Portis

By
178

Wala nang 24-oras bago ang trade deadline ng Feb. 7 (Feb. 8 sa Manila), hindi na mapakali ang ilang NBA teams sa galawan.

Isa sa pinaka-busy ang Washington.

Si Otto Porter Jr., hindi na pinaglaro ng Wizards kontra Milwaukee nitong Miyerkoles. Nai-trade si Porter sa Chicago Bulls kapalit nina Jabari Parker, Bobby Portis at protected 2023 second-round pick.

Pumayag na rin daw ang Washington na ipamigay si Markieff Morris sa New Orleans para kay Wesley Johnson.

Kasama pa si Porter ng teammates na naghahanda sa laro nang sabihan tungkol sa trade isang oras bago ang tipoff. Naga-average siya ng 12.6 points at 5.6 rebounds para sa Wizards ngayong season.

Sa panig ng Bucks, nai-trade na rin si center Thon Maker sa Detroit kapalit ni 6-foot-7 wing Stanley Johnson. Si 7-foot-1 Maker ang 10th pick noong 2016. Starter siya sa 34 games bilang rookie noong 2016-17 pero pagkatapos ay off the bench na at dahan-da­hang nawala sa rotation ng Bucks.