Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Porter maangas vs Milwaukee

0 204

Miyerkoles pinagmulta ng NBA si Kevin Porter Jr. ng $50K (P24M) dahil sa pagpunta sa strip club sa Miami nitong April 18 kasama si Houston teammate Sterling Brown.

Sa insidenteng ‘yun napalo ng bote sa ulo si Brown.

Kinabukasan (Huwebes), nagliyab ng career-best 50 points si Porter para gasolinahan ang Rockets (16-47) sa 143-136 panalo kontra Milwaukee (38-24) sa 75th regular season game sa Toyota Center sa Texas.

SM food to go Banner Ad

Sa unang minuto pa lang ng laro, nilabas si Bucks star Giannis Antetokounmpo nang abutin ng right ankle sprain. Pa-drive ang two-time MVP nang makipagbuhol kay Kelly Olynyk. Nakasungkit ng foul si Antetokounmpo sa play, tumira pa ng dalawang free throws bago nilabas at hindi na binalik.

Namigay ng 11 assists si Porter, sa edad 20 ay naging pinakabatang player na umiskor ng 50 na may 10 assists – binura ang dating record ni LeBron James na gumawa nito sa edad 23.

Si Porter ang youngest player pa na naglista ng 50 sa Rockets history. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.