Abante Tonite Interactive

Porter natatakam kay Pacman

459

Naniniwala si Shawn Porter na sila ni Senator Manny Pacquiao ang mas patok na bakbakan pagsapit ng taong­ 2020.

Ito ay matapos ang biglang pagsikat ngayon ng WBC titlist kaya tila nagmamalaki ito at ipinangangalandakang isa siya sa itinuturing na best welterweight titlist sa buong mundo.

“I do think that Manny is the more defining fight as me as well,” pahayag ni Porter bilang parinig sa Pambansang Kamao.

Bukod dito ay tanging ang fighting senator lamang ang na­ngunguna at nasa listahan niyang maka one on one.

“He’s also the number one guy on my list,” banat pa nito.

Kasalukuyang may 30 wins si Porter kasama ang 17 KOs at 1 draw habang si Manny naman ay may tuma­taginting na 62 wins at 39 doon ay mula sa KO. (Aivan ­Episcope)