Abante Tonite Interactive

Porzingis, Marjanovic doble tore ng Mavericks

409

May dalawang tore na ang Dallas Mavericks sa susunod na 74th season ng National Basketball Association, dalawang European players na may taas na 7-foot-3 kina Kristaps Porzi­ngis at Boban Marjanovic.

Nagkasundo na ang Mave­ricks at si Marjanovic sa ‘di binanggit na halaga ng kontrata, pero mas malamang na magiging backup center ang Serbian.

Posibleng magiging starting center si Dwight Powell na piniling manatili sa Dallas sa huling taon ng kanyang kontrata bago tinanguan ang three-year extension.

Unang napaulat na pumayag na rin ang Latvian forward na si Porzingis sa five-year max contract sa presyong $158M.

Panlimang team sa limang seasons din ni Marjanovic ang Dallas. Nagsimula siya sa San Antonio Spurs noong 2015-16, nakarating ang 30-anyos na big man sa second round ng Eastern Conference playoffs noong nakaraang season sa Philadelphia.

Plantsado na rin ng Mavs ang deals sa tatlo nilang players, dalawa rito sina restricted free agents Maxi Kleber at Dorian Finney-Smith.
Nagpapagaling pa mula Achilles tendon injury si point guard JJ Barea pero siguradong babalik sa Dallas. Si Barea na lang ang naiwan sa 2011 championship team ng Mavs tapos mag-retire ni Dirk Nowitzki. (VE)