Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Porzingis, Mavs nilunod Clippers

0 38

Nambarako si Kristaps Porzingis sa overtime para ihatid ang Dallas Mavericks sa 112-104 panalo laban sa dinayong Los Angeles Clippers sa 76th NBA regular season game sa Staples Center sa California Martes ng gabi.

Halos triple-double din ang kinamada ni Luka Doncic sa unang laro sa Mavericks matapos ang tatlong larong pagliban dahil sa knee at ankle sprains. Tumapos ang Slovenian ng 26 points at tig-9 rebounds at assists sa 41 minutes.

Perpektong 10 of 10 sa free throws si Porzingis, nilista ang anim sa kanyang 30 points sa extra time. Kumalawit pa ang 7-foot-3 Latvian ng 7 rebounds para umakyat sa 10-7 slate ang kampo at hilain ang biktima sa 10-8. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.