Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Porzingis, Mavs pinulbos Hornets

0 64

Walang nagawang matino ang Charlotte kontra Dallas sa 76th NBA preseason game.

Nilampaso ng Mavericks ang Hornets sa tono ng 127-59 Miyerkoles ng gabi sa Spectrum Center sa Charlotte.

Pinakitaan ni Kristaps Porzingis ng 17 points, 9 rebounds ang bagong coach ng Dallas na si Jason Kidd. Tumagal pa rin ng 26 minutes sa loob si Luka Doncic pero hindi na kinailangang kumayod bagama’t may 10 points at 8 dimes din, nagpakalat si Tim Hardaway Jr. ng game-high 20 points.

Wala sa Hornets sina Terry Rozier at Gordon Hayward, naka-11 minutes lang si LaMelo Ball at nagkasya sa 4 points.

Mula sa field ay 23 of 84 (27 percent) lang ang Charlotte, 3 for 19 sa 3-pointers. Hindi lumagpas sa 20-point scoring bawat quarter ang team ni Michael Jordan, nakakadismayang 11 points lang ang kinaya sa third. (Vladi Edarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.