Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Positibo sa COVID, mangingisda nagbigti

0 34

Nagpakamatay ang isang 33-anyos na mangingisda sa bayan ng Lawaan, Eastern Samar matapos umano niyang malaman na nagpositibo siya sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), kamakalawa.

Wala nang buhay nang matagpuan nitong Miyerkoles ng umaga ang biktima sa loob ng kanyang bahay sa nasabing bayan.
Base sa ulat ng pulisya, una nang na-quarantine nang anim na araw ang mangingisda matapos magkaroon ng close contact sa isang COVID-19 positive sa kanilang lugar.

Isinailalim sa swab test ang biktima at nabatid noong Hulyo 8 na positibo siya sa coronavirus.

Teorya ng pulisya, posibleng masyadong ininda ng lalaki ang pagkakaroon ng COVID-19 dahilan upang wakasan nito ang sariling buhay.

Wala namang foul play na nakita ang awtoridad sa insidente.

Samantala, may nilunsad na hotline para sa mga Pinoy na may katanungan tungkol sa mental health, kinakailangan ng counseling, may kinahaharap na suliranin o nanganganib na kitlin ang sariling buhay.

Puwedeng tawagan ang National Center for Mental Health 24/7 crisis hotlines sa cellphone (0917-899-8727) o telepono (7989-8727 o 1553). (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.