Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Positibo sa virus lolobo pa kung maghahari mga variant

0 351

Nagbanta ang isang opisyal ng Department of Health (DOH) na tataas ng 28 beses ang kaso ng COVID-19 sa loob ng isang buwan kapag nagpatuloy na namayagpag ang mga variant of concern sa bansa.

“Sa lahat na nase-sequence na samples, wala pang 7% dito ay mga variants of concern. Ayaw nating umabot sa punto na lahat na ng samples na nase sequence natin ay magiging variants of concern na,” ayon kay Dr. Alethea de Guzman, medical specialist ng DOH Epidemiology Bureau.

Giit niya, “Kapag ganun po—ang nakikita nating pagtaas—hindi lang po three times, four times. Pwedeng up to 28 times ang makikita natin.”

Naitala na sa bansa ang 177 kaso ng UK variant, 90 kaso ng South Africa variant at 1 kaso ng variant na unang na detect sa Brazil. Ang mga ito ay kinokonsidera bilang variants of concern dahil dala umano nito ang mutation na mabilis makahawa.

Sa kabuuang kaso ng variants of concern, 27% o 74 ay nanggaling sa mga inbound traveler, 73 dito ay overseas Filipinos at isang dayuhan.

Kinumpirma rin ng DOH ang bagong coronavirus variant na P.3 na na-trace sa bansa. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.