Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Positibong saliva test isasama na sa virus case

0 77

Inanunsyo ng Philippine Red Cross (PRC) na isasama na sa kabuuang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa ang mga magpopositibo sa isinasagawa nilang saliva test.

Ayon kay PRC consultant Michael Tee, inabisuhan na sila ng Department of Health (DOH).

Noong Enero pa nagsimula ang PRC sa pagsasagawa ng saliva test. Sa kasalukuyan ay umabot na sa mahigit 365,000 ang mga saliva test na nagagawa nila.

SM food to go Banner Ad

Sabi ni ni Tee, makatutulong ang saliva test para mapalakas ang COVID-19 testing sa mga lugar na kakaunti ang molecular laboratory.

Posible aniya kasi na dumarami na ang mga kaso sa ilang lugar sa labas ng National Capital Region ngunit dahil sa kakulangan ng laboratoryo at testing ay hindi ito napapansin. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.