Abante Tonite Interactive

Post ni Blackpink Lisa pinupusuan ni Alden

0 138

Tiyak na natuwa si Alden Richards sa balitang darating sa bansa ang crush niyang si Lisa Manoban ng sikat na South Korean girl group na Blackpink.

In-announce ni Lisa sa social media na siya ang newest face of Penshoppe.

Ang sabi-sabi ay ngayong November ang punta rito ng 22-anyos na K-pop star kaugnay ng pagiging brand ambassador nito ng nasabing clothing brand.

Sayang at hindi pa Bench ang nakakuha kay Lisa, mas may chance sana sila ni Alden na magkita bilang part ito ng Bench Fix family.

Ang alam namin ay crush na crush din si Lisa nina Paul Salas, Enrique Gil at Iñigo Pascual.

Pansin namin na lahat yata ng i-post ni Lisa sa IG ay nila-like ni Alden. At pati ang virtual holding hands nila sa mobile game na Ragnarok ay ikinakilig ng bida ng “The Gift”.

Si Lisa kaya ang magiging biggest ‘gift’ kay Alden kung makikilala niya ito nang personal?

Nu’ng February unang pumunta ng ‘Pinas si Lisa nang mag-concert ang Blackpink sa MOA Arena, na hindi namin sure kung napanood ni Alden na haling na haling ngayon sa magandang dalaga. (Allan Diones)