Abante Tonite Interactive

Poster ng opisyal, ipinawasak ni Mayor

By
452

Inulan ng batikos sa social media ang isang alkalde sa Metro Manila makaraang kumalat ang impormas­yon na pinababaklas nito ang nagkalat na tarpaulin ng isang opisyal ng gobyerno na nagpaplanong su­mabak sa Senatorial elections sa susunod na taon.

Ayon sa info ng Tonite, ipinag-utos daw ng alkalde ang pagtatanggal ng mga tarpaulin dahil bawal daw ang ‘Epal’ sa kanyang lungsod.

Dito, naligo ng batikos ang ating bida dahil maging siya ay may mga nagkalat na tarpaulin sa bawat waiting shed, poste at iba pang mga lugar sa kanyang nasasakupan.

Pero may mangilan-ngilan naman na pumuri sa alkalde dahil matindi daw talaga ang kaepalan ng opisyal dahil kahit saang lugar nagkalat na ang pagmumukha nito.

Gayunman, sa kabila ng sobra anilang kaepalan ay nangungulelat pa rin naman sa senatorial surveys.

Clue: Ang ating bidang alkalde ay may L sa kanyang pangalan as in ‘Laban lang’ sabi ng kanyang mga taga-suporta habang ang opisyal na sinasabing sumusobra na sa pagi­ging epal pero kulelat pa rin ay may letrang O sa kanyang pangalan as in Over na sa pagkakalat.