Abante Tonite Interactive

Postponement at appointment sa brgy. polls may legal precedent

By
5

May legal na basehan, ayon sa Malacañang ang pagpapaliban ng pambarangay na halalan gayundin ang pagtatalaga ng mga opisyales ng barangay.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, kaparehong senaryo ito nang muling itakda­ ang ARMM elections.

“Plans to postpone and appoint barangay officials have legal precedent, as in the case of resetting ARMM elections from 2011 to 2013 in accordance with the Election Synchronization Law; after which then President (Noynoy) Aquino appointed AMIN Party-list representative Mujiv Hataman as OIC Regional Governor, and Bainon Karon as OIC Vice Governor,” paliwanag ni Abella.

Hindi umano si Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang may “final say” sa usapin sapagkat ang isinusulong nitong pagpapaliban ng barangay elections ay nangangailangan ng suporta ng lehislatura at alam naman umano ng Pangulo ang proseso.

Ginagalang din umano ng Pangulo ang batas at hindi nito pinanghihimasukan ang pagiging independiyente ng Kongreso.