Abante Tonite Interactive

Pot session ng kabataan sa Cavite sinalakay

313

By Gene Adsuara

Binulaga ng mga pulis ang pot session ng isang grupo ng kabataan sa loob ng isang bahay sa Silang, Cavite makaraang isumbong ito ng isang concerned citizen Linggo nang madaling-araw.

Sa ulat ng Silang Municipal Police Station, dakong alas-tres ng madaling-araw nang sala­kayin ng mga operatiba ang isang bahay sa Brgy. Bulihan dahil sa natanggap na tawag mula sa isang residente may nagaganap na pot session ang ilang kabataan sa nasabing lugar.

Naaktuhan ng mga pulis ang limang kabataan na humihithit ng pinatuyong dahon ng marijuana pero dalawa lang sa mga ito ang naaresto dahil mabilis na nakatakas ang tatlo pa na pawang menor de edad.

Kinilala ang naaresto na si Elbi Cesar Mina, 18-anyos at isang itinago sa alyas na ‘Christian’.

Kinasuhan na ang dalawa ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.