Abante Tonite Interactive

Pot session sa Adventist UniversIty, 4 timbog

By
796

Arestado ang apat na estudyante ng Adventist University of the Philippines (AUP) sa Silang, Cavite matapos maaktuhan na bumabatak diumano ng hinihinalang shabu sa loob ng kanilang campus noong Huwebes nang gabi.

Nasa kustodya ngayon ng Silang Municipal Police Station ang mga suspek na sina Sandy Olivar Lazaro, 22, psycho­logy student; Brendon Ncube, 22, Zimbabwe national; Muleta Mutakatala, 23, Zambia national; Shaundre Cairncross Lynn, 18, South African national,­ pawang estudyante ng AUP at mga residente ng Brgy. Puting Kahoy, Silang, Cavite.

Sa ulat ng tanggapan ni Chief Inspector Resty Soriano, officer-in-charge ng Silang Municipal Police Station, alas-8:40 nang gabi nang nagsagawa ng spot inspection ang mga security guard, mga opisyal ng eskuwelahan at pulis sa loob ng AUP campus.

Nakuha rin sa suspek na si Lazaro ang isang bag ng marijuana at improvised glass tooter.

Nabatid na ang mga naarestong estudyante ay responsable rin diumano sa pagbebenta ng marijuana sa mga kapwa mag-aaral sa loob ng AUP campus.