Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Powell, Raptors martsa sa semis

0 137

Winasiwas ang Nets (kicker)

Wala sa loob si Kyle Lowry nang sanadalan ng Toronto Raptors ang bench na pinamunuan ni Norman Powell sa 29 points upang kumpletuhin ang pag-sweep sa Brooklyn Nets, 150-122, sa 74th NBA 2019-20 first round playoffs.

Sinipa rin ng Boston Celtics sa Walt Disney World Resort sa Orlando, Florida ang Philadelphia 76ers, 110-106, para sa kagayang 4-0 win din sa series, at isaayos ang Eastern Conference semifinals kontra defending champion Toronto.

Dulo ng first, lumabas ng laro si Lowry nang mapilipit ang paa. Mula sa likod, tinangkang unahan ni Chris Chiozza ang Toronto guard pero nagbuhol ang mga paa nila. Pumasok ng locker room si Lowry, ilang minuto’y kinumpirma ng Raptors na hindi na siya babalik.

Related Posts

May ilang araw si Lowry para ipahinga ang rolled ankle, inaasahang makakarekober sa umpisa ng second round.

Hinabi ni Powell ang produksyon niya off the bench, may 27 markers at 15 rebounds ang kapwa niya reserve na si Serge Ibaka, at may 20 pts. at 10 assists si Pascal Siakam

Pagkatapos ng 39-19 surge sa third quarter para dumistansiya ng 116-87, ipinahinga na ni Toronto coach Nick Nurse ang kanyang starters.

Ang 32 pts. naman ni Kekmba Walker ang sinangkalan ng Celtics laban sa Sixers. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.