Abante Tonite Interactive

Power rate hike sa mga off-grid island pinapatigil ng DOE

158

Inatasan kahapon ni Energy Secretary Alfonso Cusi ang National Power Corporation (NPC) na itigil ang planong pagtataas ng generation charges sa missio-nary at off-grid islands sa bansa na ipapasa sa mahihirap na consumers.

Sa halip, dapat umanong humanap ng ibang paraan ang NPC para mapababa ang missionary subsidy sa pamamagitan ng pagsasaaayos ng kanilang operasyon.

Ginawa ni Cusi ang direktiba kay NPC President Pio Benavidez matapos na magsampa ng petisyon sa ang korporasyon sa Energy Regulatory Commission (ERC) na itaas ang generation charges sa off-grid islands. Magreresulta ito para magbayad ng mas mahal na kuryete ang mga consumer sa mga probinsya kaysa sa Metro Manila.

“The corporation had filed an application with the ERC to increase the missionary generation charge in off-grid communities by P2.9140 per kilowatt hour (kWh) in Luzon, P3.4034 per kWh in the Visayas, and P3.4515 per kWh in Mindanao. This would raise the gene-ration charge by more than 50 percent to P8.5544 per kWhs”sabi pa sa statement ng DOE.

Sa memorandum ni Cusi kay Benavidez, sinabi ni Cusi na ang P8.5544 per kWh na hinihingi ng NPC kumpara sa P5.25 charge sa Manila ay malaking pasanin sa mga Filipino consumers lalo na mga lugar na mahina o walang kur-yente na kontra sa mandato ng gobyerno na magkaloob ng murang elekstrisidad alinsunod sa Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) of 2001.

Inatasan din ang NPC na babaan ang missionary subsidies sahalip na ipasa sa mga consumers sa pamamagitan ng excise tax, fuel cost na magtaas ng 51 porsiyento sa generation rate.

Rerepasuhin umano ng DOE ang mga power supply contracts na mga e-xisting private power generators upang maalis ang mga probisyon na hindi pabor sa kapakanan ng taumbayan.