Abante Tonite Interactive

Power shortage kontrolado – Palasyo

0 145

Kinalma ng Malacañang ang publiko sa posibilidad na makaranas ang bansa ng sunod-sunod na brownout ngayong panahon ng tag-init.

Sa harap na rin ito ng nararanasang pagkawala ng supply ng kuryente sa ilang lugar sa Metro Manila at karatig-lalawigan nitong nakalipas na mga araw.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Pa­nelo na walang dapat ipag-alala sa posibleng krisis sa enerhiya dahil kontrolado ng gobyerno ang sitwasyon.
Nakausap aniya nito si Energy Secretary Alfonso Cusi at sinabing kontrolado nila ang sitwasyon at tinutugunan na ang problema.

Abante Hiring – IT dep

“I was just talking to Secretary Al. Sabi niya, ‘We’re on top of it.’ Iyon ang sabi niya sa akin kanina,” ani Panelo.

Nagpupulong aniya nitong Lunes ang mga mi­yembro ng gabinete para talakayin ang problema sa supply ng enerhiya at sa tubig.

Pero nilinaw ni Panelo na hindi kasama sa pulong nila si Pangulong Rodrigo Duterte dahil regular na pag-uusap lang ito ng mga miyembro ng gabinete kada buwan.

Samantala, inihayag kahapon ni DOE Undersecretary Wimpy Fuentebella na sa mga susunod na araw ay gaganda na ang supply ng kuryente dahil ilang planta na nakumpleto ang repair ang inaasa­hang papasok na sa Luzon grid.

Isusumite din umano nila lahat ng impormasyon kaugnay ng imbestigasyon sa mga alegasyon ng pagsasabwatan ng mga industry player sa Energy Regulatory Commission, Philippine Competition Commission, sa Kongreso at maging kay Pangulong Duterte. (Aileen Taliping/Armida Rico)