Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PPA dinepensahan P10M training pool

0 143

Binigyang-katwiran ng Philippine Ports Authority (PPA) ang ipinagawang P10 milyong infinity pool sa kanilang training facility sa San Fernando, La Union na kinuwestiyon ng Commission on Audit (COA).

Sa ipinadalang paliwanag ni PPA general manager Atty. Joseph Santiago kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ikinatwiran nitong mayroong mandato ang PPA na magpagawa ng training pool na mahalaga sa pagsasanay ng mga police personnel para sa emergency at rescue service.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pangalawang puntos aniya sa paliwanag ni Santiago, ang P10.8 milyon na ginastos ng PPA ay hindi lamang sa ipinagawang pool kundi kasama na rito ang rehabilitasyon ng training center katulad ng pagpapagawa ng mga guest room, multi-purpose function at conference room, airconditioning at electrical system. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.