Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PPCRV kinalampag mga botante

0 190

Hinimok ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang mga rehistrado subalit hindi bumoboto sa mga nakaraang halalan na lumahok sa idaraos na eleksyon sa 2022.

Ang tinutukoy ng PPCRV ay mga botanteng naging inactive na ang voting status.

SM food to go Banner Ad

“Nananawagan po tayo na ang ating mga kababayan na na-deactivate na po, magrehistro po kayo kasi high stakes election po ang 2022 national and local Elections at kailangan po kayo, kailangan po ninyong gamitin ang karapatan ninyo para bumoto,” wika ni PPCRV Executive Director Maria Isabel Buenaobra sa isang panayam.

Inanunsyo rin ni Buenaobra na makikipag ugnayan ang PPCRV sa mga diocese sa iba’t-ibang panig ng bansa upang mahikayat ang publiko na magparehistro para makaboto sa 2022.(Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.