Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PPCRV server sa UST kinandado na

0 44

Isinara na ng Commission on Elections (Comelec) ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) transparency server na inilagay sa University of Santo Tomas (UST) sa Maynila.

Nabatid na pinangunahan ni Commissioner Marlon Casquejo ang pagsasara ng operasyon ng transparency server ng PPCRV.

SM food to go Banner Ad

Ipinako na sa 98.35% ang ipinadalang resulta sa PPCRV at hindi na umano sila padadalhan pa ng mga datos kaugnay ng bilangan ng resulta sa katatapos lang na halalan.

Napag-alaman din na hanggang sa kasalukuyan ay wala namang inirereklamo sa Comelec ang PPCRV na nagkaroon ng pagkakaiba sa mga pumasok na datos ng eleksiyon sa kanilang transparency server. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.