Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PPE fashionable kay Mon Confiado

0 119

Isa na naman masayang hapon ang aking maikwekwento sa inyo dahil na kasama ko ang isa sa mga mahusay nating aktor na si Mon Confiado.

Kahit alam kong napaka- busy nyang artista kapag sya ay aking inimbitahan at kung may oras at panahon sya tiyak na hindi ka nya bibiguin.

Kaya naman nagkaroon kami ng pagkakataon na muli syang makasama sa tanghalian sa isang restaurant sa BGC. Tawanan, kwentuhan at kamustahan ang nangyari. Naitanong ko sa kanya kung ano na ang mga pinagkakaabalahan nya sa kasalukuyang panahon ng quarantine.

Alam ba ninyo na kahit na sa ganitong sitwasyon ay busy pa rin sya paggawa ng pelikula at teleserye. At alam ba ninyo na every shooting at taping nya ay nagpapa swab- test (aray ko, ang sakit). At hindi lang pang Pilipinas ang ginagawa nya pati pang international na pelikula.

After namin magtsikahan ay nag- pictorial naman kami ng aking Fashionable PPE suit sa kalye at sa isang mall sa BGC.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Si Mon ay isa sa cast ng teleserye sa katatapos lang na’ The Soldier’s Heart’ at ganundin ang kanyang film entry sa darating ng Metro Manila Filmfest under Regal Films na may pamagat na “Mga Kaibigan ni Susan”.

Matatandaan natin si Mon Confiado sa mga pelikulang makasaysayan tulad ng Goyo: Ang Batang Heneral at Heneral Luna.

Isa si Mon Confiado na masipag at mabait na artista sa industriya kaya naman sya ay talaga naman pinagpapapala.

Hindi lang sya artista sya din businessman.

Si Mon nga pala ay kasama ko ding brand Ambassador ng iSkin Aesthetic Lifestyle.

Leave A Reply

Your email address will not be published.