Abante Tonite Interactive

PPE ‘wag singilin sa pasyente

536

Hindi na umano dapat pinababayaran sa mga pasyente ng mga pribadong hospital ang mga donasyon ng pamahalaan na Personal Protective Equipment (PPEs) para sa kanilang mga frontliner.

Ito ang inihayag ni Health Usec Ma Rosario Vergeire matapos makarating sa kanila ang mga reklamo sa social media.

Kaugnay nito, itinanggi ng dalawang pribadong hospital ang alegasyon na pinababayaran umano nila sa mga pasyente ang mga PPE na ginagamit ng kanilang mga doktor at nurse.

Ayon sa CebuDoc Group at Chong Hua Hospital (CHH) , ang mga donasyon sa kanilang PPE ay bilang at binibili o pinagawa para sa sarili nilang mask, gloves at gown.

Sinabi ng CebuDoc Group na alam nila ang pandaigdigan pangangailangan sa PPEs dahil coronavirus disease (Covid-19) pandemic dahilan para magpagawa na sila ng kanila dahil may anim na hospital silang pinatatakbo kaya hindi sila dapat dumipende sa donasyon.

“We can assure everyone that we have not charged our patients with any donated PPEs. In fact, company logos on donated PPEs are not removed to acknowledge the donors. Our staff will only log donated PPEs once used for proper monitoring, but charge the used PPEs that we purchased. Further, we only charge the ones directly used for patient care. Other PPEs that are not used in patient care are already part of our operational budget,”dagdag pa ng hospital.

Samantala, sinabi naman ng Chong Hua Hospital na ang mga donasyon na PPEs sa kanila ay ginagamit ng support staff at hindi ng kanilang mga doktor at nurse.

Sinabi ni Chokie Ortiz, CHH patient and customer relations officer, na palagi silang may stock na PPE dahil malakihan sila pag bumili nito.

“We never had a shortage. As a matter of fact, our bulk orders always arrived. The latest was from last week,”ani Ortiz.

“The PPEs we used to take care of the patients are the ones which were ordered by the hospital so we really charge them because these are intended for their use,” dagdag pa ni Ortiz.

Nabatid na ang dalawang hospital ay naging sentro ng reklamo sa social media kung saan pinababayaran umano sa mga pasyente ang mga donasyon na PPEs.

Kaugnay naman sa mga food pack na donasyon ng mga organisasyon at indibiduwal , sinabi ng Cebu Doc Group na ito ay direktang napupunta sa mga frontliner habang ang CHH naman ay nagkakaloob ng regular na rasyon sa mga frontliners bukod sa donasyon .

“Unfortunately, private hospitals are easy to target by these issues. But we believe that private hospitals like us are also prepared. We meticulously prepare for a crisis like this not just for the welfare of our patients but also for our employees and frontliners,” pahayag pa ng CebuDoc Group .(Juliet de Loza-Cudia/Elech Dawa)

Tonite – Wendys Inhouse Ad