Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PhilHealth office VP ginawang night club ng ‘mafia’

0 247

Kakaibang regalo ang natanggap ng isang opisyal ng Philippine Health Insurance Corp (PhilHealth) sa kanyang kaarawan – isang kahon na may lamang dancer at nagsagawa ng sexy show sa harap nito.

Sa report ng Senate Blue Ribbon Committee, nadiskubre nila ang isang video recording na birthday celebration ni PhilHealth Regional Vice President (Region IV-B) Paolo Johann Perez, isa sa mga opisyal na tinaguriang miyembro ng “mafia” sa PhilHealth.

Sa video na pinakita ni committee chair Senador Richard Gordon sa isang press conference, makikita ang isang babae na sumasayaw sa harap ni Perez at pinapanood din ng mga staff nito.

SM food to go Banner Ad

Tinagurian ng Senate report ang episode na iyon na “office nightclub” sa tanggapan ni Perez.

“A video footage that was recovered showing RVP Perez receiving a gift, in an enormous box, in his office and during office hours, which turned out to be girl in her underwear who danced and gyrated provocatively in front of Perez,” sabi sa report.

“And all the staff of the regional office with many shouting, as one could expect from a show in a nightclub,” dagdag pa sa committee report.

Si Perez ay isa sa walong opisyal ng PhilHealth na miyembro diumano ng mafia batay sa Senate panel. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.