Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PPM kikilatis sa programa ng mga kandidato sa 2022 election

0 57

Magkakasanib na binuo ng iba’t-ibang sektor ang Philippine Patriotic Movement (PPM) na may layuning kilatisin ang mga programang ilalatag ng mga kakandidato sa local at national election sa Mayo ng susunod na taon.

Nais ng grupo ng PPM na kinabibilangan ng mga kinatawan mula sa mga samahan ng manggagawa, overseas Filipino workers (OFWs) magsasaka, tsuper, maralitang taga-lungsod at iba pang marginalized sector na hilingin sa mga nagnanais kumandidato na gawing prayoridad sa kanilang kandidatura ang pagbangon ng ekonomiya.

Nanawagan din sila sa mga pumupustura sa eleksiyon na makipagkaisa sa mga mamamayan at yakapin ang alternation programa upang sama-samang makaahon sa krisis, maibangong muli ang lugmok na ekonmiya at maisulong ang pangmatagalang progreso, kasaganaan at katiwasayan sa buong bansa.

Aminado ang ilang kasapi sa grupo na kabilang sila sa grupong naghikayat noon kay Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbo sa halalan kung kaya’t umaapela rin sila na tulungan ang Pangulo na makatapos sa kanyang termino at maitaguyod ang halalang 2022.

Sinabi ni Dave Diwa, pangulo ng National Labor Union, na tutol sila sa mga nagsusulong ng No Election dahil karapatan ito ng sambayanan ayon sa itinatakda ng Konstitutsyon.

Pabor naman sila na itulak ang hybrid election na may actual na bilangan sa mga presinto bago pa ito mai-transmit sa national canvassing center.

Nanawagan din ang grupo sa mga Pilipino na iwaksi ang pagpili ng kung “sino” at sa halip ay pumili ng “ano” at “paano” ang kanilang gagawin kung sakali at magtagumpay sa halalan.

Magsasagawa rin ng konsultasyon ang grupo sa iba’t-ibang lugar sa Metro Manila at sa mga lalawigan bukod sa bubuo rin sila ng social media platform upang magkaroon ng pagkakataon ang bawa’t isa na maihayag ang kanilang pananaw at komprehensibong solusyon sa online survey.

Ilang sa mga bumubuo ng koalisyon ang Filipinos for Peace, Justice and Progress Movement FPJPM, People’s Movement Against Poverty PMAP, Federaton of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines FEJODAP, National Labor Union NLU AT Philippine Association of Free Labor Union PAFLU. (Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.