Abante Tonite Interactive

PR man lagare sa 2 kandidatong Speaker

345

Hindi lang daw ang tatlong kandidato sa pagka-Speaker ang tumungo ng Japan kundi pati na rin ang isang kilalang PR man.

Tumutulong daw ang PR man sa kandidatura ng isang mam­babatas upang mabigyan ng posisyon sakaling magwagi ang kanyang manok.

Pero natuklasan ng Tonite na sinusuportahan din ng operator ang isa pang kandidato sa pagka-Speaker.

Kapag nanalo kasing Speaker ang manok ng ope­rator at mahalal naman na Mino­rity Leader ang isa pa, aba’y parang naka-jackpot sa lotto ang operator sa laki ng kikitain.

Clue: Tumanda na sa industriya ang PR man kaya naman namumuti na ang kanyang buhok. May letrang L sa kanyang pangalan, as in Lie.