Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Practice ibabase sa workout – Marcial

0 151

Sa PBA Board meeting noong Sabado, natanong ni vice chairman Bobby Rosales ng Terrafirma kung kailan puwedeng magkaroon ng full contact scrimmages.

“Sabi ko sa kanila, may ginawa na akong protocols pero gusto ko munang makita ‘yung mangyayari sa practices ‘pag nagsimula na tayo,” paliwanag kahapon ni commissioner Willie Marcial.

Pinayagan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases na ibukas ang practice facilities pero workout lang, by batch.

Mas mahigpit na health guidelines ang ipapatupad sa balik-ensayo.

Puwede ring makakuha ang PBA ng tips mula sa NBA na nagsuspinde rin ng 74th season noong March 11 pero babalik na sa July 30 para ituloy ang mga laro at playoff seedings sa Orlando, Florida.

“Makakakuha rin tayo ng parang template ng NBA,” dagdag ni Marcial. “Baka by August, meron tayong madadagdag o meron na tayong napag-aralan base du’n sa kung ano’ng nangyari sa NBA.”

Aprubado ng coaches at team managers ang plano ng PBA, anumang araw ay lalarga na ang workout.

Balak ng Commissioner na lumapit muli sa IATF para humingi ng green light sa full scrimmages. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.