Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Prado, Krogg wow sa cycling

0 68

Nagdomina si veteran internationalist Jermyn Prado samantalang nagparamdam si Mathilda Krogg na susunod siyang alas nang mamayagpag sa kanilang mga kategorya sa PhilCycling National Championships for Road 2022 sa Tagaytay City.

Winalis ng national team mainstay at 2019 PH Southeast Asian Games women’s individual time trial gold medalist na si Prado ang lahat ng puntos sa 16-lap para kopoin ang 20-pt women’s elite criterium title at pagsalya sa 2-3 kina Philippine Navy Standard Insurance teammates Ma. Mhay Ann Lina clinched (10 pts) at Avegail Rombaon (8).

SM food to go Banner Ad

“I trained hard for the championships and I really wanted to win this one,” aniya sa event na mga hatid ng Standard Insurance, MVP Sports Foundation, Smart Chooks-to-Go, San Miguel Corp., Petron, Le Tour de Filipinas-Air21-One LGC, Tagaytay City, Go For Gold, Cavite’s First District, Batangas First District, Batangas ay Philippine National Police.

Ang Philippine Olympic Committee at PhilCycling president na si Cavite 8th Dist. Rep. Abraham ‘Bambol’ Tolentino ang nag-flag off sa mga siklista noong Martes sa balik ng karera tapos ng dalawang taong makansela sa pandemya sa start-finish gantry sa harap ng Praying Hands Monument sa Isaac Tolentino Avenue. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.