Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pramis ni Jimmy korona sa Miami

0 111

KUMPIYANSa na si Jimmy Butler sa kakayahan ng Miami.

Matapos kumpletuhin ng Heat ang ahon mula double-digit deficit para talunin ang Boston 106-101, nagbitiw ng pangako ang 31-anyos na guard.

“I’m going to bring them a championship,” deklarasyon ni Butler, para sa pamilya at sa Heat fans.

Sa panalo ay lamang na ang Miami 2-0 sa East finals.

SM food to go Banner Ad

Iwan ang Heat 60-47 sa half, bumalikwas sa third quarter para agawin ang panalo.

“We like being down double digits. We’re the comeback kids,” giit ni Butler.

Tumapos lang ng 14 points pero inangklahan ang zone ng Heat na pumaralisa sa Celtics.

Dalawang panalo pa para makarating sa NBA Finals, hindi pa tapos ang giyera.

Balik sa court ang Heat ngayon sa Game 3, tatangkain ang pangatlong sunod na panalo para itabon lahat ng pressure sa Boston pagdating ng Game 4 sa Martes. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.