Abante Tonite Interactive

Prangkisa ng INC 25 taon pa

By
180

Pinalawig pa ng panibagong 25 taon ang prangkisa ng Iglesia ni Cristo (INC) para magtayo at mag-operate ng pribadong telecommunications service.

Pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Pebrero 14 ang Republic Act 11219 na nagpapalawig ng panibagong 25 taon sa prangkisa ng INC, at inilabas lamang ang dokumento ngayong Martes.

Nakasaad sa nilagdaang batas na maaaring makapag-operate ng telecommunications o electro­nic communication services ang INC sa buong bansa at maging sa pagitan ng Pilipinas at ibang mga bansa sa loob ng itinakdang taon.

“The grantee is hereby bestowed the right to construct, establish, install, maintain, lease, purchase, and operate the corresponding transmitting and receiving stations, satellites, lines, systems, networks, international gateways, local exchanges, and platforms as it may consider necessary, convenient or reasonable,” anang nakasaad sa batas.

Bukod sa prangkisa ng INC, pinirmahan din ni Pangulong Duterte ang prangkisa ng Ermita Electronics o mas kilalang G. Telecoms para sa panibagong 25 taon.

Kasama ring pinirmahan ng Pangulo ang prangkisa ng Malindang Broadcasting Network.