Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Praning na: Male personality nagsasalita na walang kausap

0 390

Madalas diumanong makita ngayon ang isang kilalang male personality na palakad-lakad sa kung saan-saan at nagsasalita nang wala namang kausap.

Maraming nag-aalala para sa male personality, mukhang humiwalay na siya sa kanyang pamilya, nakikitira na lang siya sa kanyang mga kaibigan.

Kuwento ng aming source, “Sana naman, e, magpakatatag siya! Marami rin namang tulad niya na sumailalim sa gamutan sa rehab, pero nakalampas naman sila sa matinding paghamon.

“Ang mga kasabay nga niyang nagpa-rehab, e, maayos na, siya na lang ang naiiwan na ganyan na hindi pa rin makapag-move-on! Sayang na sayang siya, ang daming opportunity na naghihintay sa kanya nu’n, pero sinayang lang niya!” unang kuwento ng aming source.

Sinawaan na sa pagsuporta sa kanya ang isang sikat na female personality na anak na ang turing sa kanya. Nanghinawa ang female personality dahil wala namang nagaganap na pagbabago sa tinutulungan nitong lalaking personalidad.

Patuloy ng aming source, “Paano, tawag nang tawag sa kanya ang mga staff ng rehab, nagre-report sa kanya. Nangungulit kasi ‘yung male personality, gusto nang lumabas!

“E, napakalaki ng gastos sa pagpapa-rehab! Hindi naman barya-barya lang ang inilalabas nu’ng female personality! Pero hindi man lang ‘yun pinahahalagahan nu’ng taong tinutulungan niya!

“Paano mo nga ba naman ibabangon ang isang taong nagpapatihiga naman? Wala siyang malasakit sa sarili niya, wala siyang ibinibigay na importansiya sa mga tumutulong sa kanya!

“Lately, may mga nakakakita sa kanya na basta lakad lang nang lakad. Wala naman siyang kausap, pero sige siya sa pagsasalita. Maitatago ba naman ang identity niya, e, kilala siyang artista?

“Nakakaawa siya, pero siya mismo ang unang-unang dapat maawa sa sarili niya! Ang dami-dami na ngang tumutulong sa kanya, pero hindi niya naman pinaglalabanan ang sitwasyon niya!

“Haaay! May mga tao talagang pasaway! May mga tao talagang walang pakialam!” naiinis na pagtatapos ng aming impormante.

SM food to go Banner Ad

-o0o-

Bong kailangan ng dasal

Kinailangang isugod sa ospital si Senador Bong Revilla sa ikasampung araw na sana ng kanyang quarantine. Hindi na puwedeng nasa bahay lang siya dahil nagkaroon ng kumplikasyon ang kanyang sitwasyon.

Nagkaroon ng pneumonia ang aktor-pulitiko, maselang palatandaan ‘yun na ikinokonekta sa COVID-19, kailangan na siyang i-monitor sa isang ospital para sa kanyang kaligtasan.

Sinunod ng senador ang lahat ng health protocol. Nang malaman niyang tinamaan siya ng coronavirus ay humiwalay agad siya sa kanyang pamilya para walang mahawa.

Napakahirap ng ganu’ng sitwasyon, matinding sakripisyo ang kakambal sa paglipas ng maghapon na walang sinumang mahal niya sa buhay ang nakakasama niya, wala siyang makausap dahil nag-iisa lang siya.

Humihingi ng dasal si Mayor Lani Mercado, napakalaki nga naman ng milagrong nagagawa ang mga panalangin, ayon sa misis ni Senador Bong ay itinataas na nito sa Panginoon ang kasalukuyang paghamon sa kanilang pamilya.

GCQ na uli tayo ngayon sa NCR. Parang nakikinita na namin ang paglabas sa kural ng mga kababayan nating pasaway. Sobrang naniniwala ang mga taong ‘yun na walang kamatayan si Superman.

Kung si Senador Bong Revilla nga na sobra-sobra na ang pag-iingat sa salot ay tinamaan pa rin at nahawa, paano pa ang mga pasaway na hindi gumagamit ng facial mask, ng facial shield at hindi naniniwala sa social distancing?

Nasa atin ang pag-iingat, ang pagsalba sa ating sarili sa COVID-19, huwag nating biruin ang matindi natin kalabang hindi nakikita.

Sana naman ay bumuti na ang kalagayan ni Senador Bong, maagapan sana ang kumplikasyon na naging dahilan kung bakit kinailangan siyang isugod sa ospital, harinawa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.