Abante Tonite Interactive

PRC namahagi ng 25,000 piraso ng face mask sa BOC

339

Umaabot sa 25,000 piraso ng face mask ang ibinahagi ng pamunuan ng Philippine Red Cross (PRC) para sa mga tauhan ng the Bureau of Customs (BOC) na isa sa frontliner na kaila­ngang mabigyan din ng prayoridad dahil sila rin ang may direct contact sa mga naapektuhan ng kumakalat na coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay PRC chairman and CEO, Senator Richard J. Gordon, kailangan din na ma­bigyan ng pansin ang mga taong humaharap mismo sa mga sinasagip tulad ng mga rescuer ng Bureau of Immigration, Bureau of Customs, airport and seaport at ang Department of Foreign Affairs (DFA) na may direktang kontak sa mga inbound traveler.

“We have to provide our frontliners with face masks and other protective gear. Our doctors, nurses, and other hospital personnel come in close contact with people infected with the no­vel coronavirus and patients under investigation. Likewise, the personnel of agencies like the Bureau of Immigration, Bureau of Customs, airports and seaports and the Department of Foreign Affairs (DFA) also interact daily with inbound tra­vellers, some of whom may be carriers of the disease. We should protect our frontliners, it would also help prevent local transmission of COVID-19,” paliwa­nag ni Gordon.

Tinanggap naman ni Customs Commissioner Leonardo Guerrero, ang donasyon mula sa PRC na kung saan hindi umano niya inaasahan na maging ang kanyang ahensya ay makatatangap din ng tulong.

“We did not expect to be included in the list of agencies that will be given face masks. But we are very, very grateful. We give our whole-hearted thanks to the PRC and of course, to Sen. Gordon,” ayon kay Guerrero.

Una nang nagbi­gay ng 10,000 piraso ng face mask ang PRC sa DFA Office of Consular Affairs noong nakaraang Biyernes, Pebrero 21. (Vick Aquino)