Abante Tonite Interactive

Kathryn mabubuntis ni Daniel

Kathryn mabubuntis ni Daniel

571

Marami ang naloka sa pagsisiwalat sa Rated K ng isang feng shui expert na si Master Thomas Leang. Partikular na sa aktres na si Kathryn Bernardo.

Ani Master Thomas, “May isang artista na nakikita namin na may chance na puwedeng mabuntis ngayong taon na ito, si Kathryn Bernardo.”
Halo-halo ang reaksiyon ng mga KathNiel Fans sa prediksyon sa aktres ngayong 2019.

Mayroong ilang hindi naniniwala dahil makailang beses na umanong nahula ito kay Kathryn.

@NellyLeyva, “Every year SI Katryn nabubuntis at bakit hanggang ngayon walang lumabas na bata. Palpak ang inyong mga hula kay Kath.
This is the 3rd year na pareho ang prediction ninyo kay Kath, at pawang walang kattohanan.”

@crazyshekinah, “Last year sabi din nilala mabubuntis c kath?? tapos di nangyari?? tas ngayon uli..hahaha”
May iba namang natuwa para sa celebrity couple, Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.
Komento nila, “If that will happen magdidiwang ang kathniels.”
“I hope it’s true. Keber na sa fame. Baby is a blessing.”
“Baby ford is coming!”

Well, kung sakaling mangyari man ang prediksyon, eh I’m sure marami sa mga fan ang magdidiwang. Malaki nga lang ang magiging pagbabago sa career ni Kathryn sa oras na maging ina na siya.