Abante Tonite Interactive

Premonisyon ba ang napanaginip na plane crash?

430

Last week po, sinabi ng fiance ko na uuwi siya ng ‘Pinas ngayong April para mag-usap kami at maisama na niya ako sa bansa nila.

Tapos po nu’ng gabi po nanaginip ako na magkasama daw po kami sa eroplano tapos nag-crash daw ‘yung eroplano at nalaglag lahat ng pasahero.

Nakaligtas daw ako at dinala ako sa hospital kung saan nakita ko pa ang listahan ng mga nakaligtas. Hinanap ko po name ng fiance ko wala sya sa listahan. Tinatawagan ko daw sya sa cellphone pero hindi ko na sya nakontak. Doon na natapos ang panaginip ko.

At ngayon po tumawag ang fiance at nagbago na ang kanyang plano. Ayaw na akong isama sa bansa nya at parang ayaw nya ring pumunta rito. Ang panaginip ko ba ay isang pahiwatig?

Ang panaginip sa pag-crash ng eroplano ay konektado sa iyong mga pangarap sa buhay. Sa pagkakataong ito, ang pangarap mo ay makapunta sa bansa ng iyong fiancé. Sinabi mong noong una ay ang iyong fiancé ang nagsabing dadalhin ka niya sa kanyang bansa.

At bagama’t naging pangarap mo rin ito, mismong ang iyong subconscious ang nagpaalala na hindi ito magiging madali.

Ang plane crash ay indikasyon na nakikita ng iyong subconscious na medyo unrealistic ang pangarap o planong ito. Kung halos kaaangat pa lamang ng eroplano nang ito’y mag-crash, maaari mo itong ikonek sa isang pangarap na nagsisimula pa lamang buuin pero bumagsak na agad. Ito ang sinabi sa iyo ng subconscious mo.

Related Posts

Hindi naman ito masasabing pahiwatig o isang premonisyon sa halip ay ito mismo ang ikinatatakot ng iyong subconscious. Sa likod ng isip mo, nandun talaga ang seed of doubt o pangambang hindi matuloy ang plano ng iyong fiancé na madala ka sa kanyang bansa.

Pero sa panaginip mo rin ay nakaligtas ka, kaya naman malinaw ang mensahe ng iyong subconscious na kahit hindi matuloy ang iyong pagpunta sa bansa ng fiancé mo ay makaka-survive ka rin.

Sa iyong panaginip, hindi mo na nakita sa pangalan ng mga survivors ang iyong fiancé at hindi mo na siya nakontak. At ngayong nagpapakita na ng pagbabago ng plano ang iyong fiancé, puwede mong sabihin na tila inihanda ka ng iyong panaginip para harapin ang ganitong sitwasyon.

Sa katotohanan ay ang subconscious mo ang naghanda sa ganitong posibilidad. Deep inside, posibleng meron ka nang insecurities sa iyong relasyon at ito’y lumabas sa iyong panaginip matapos ilutang ng iyong fiancé ang malaki niyang planong dalhin ka sa kanyang bansa.

Balikan sa isip kung ano ang tunay mong nararamdaman sa inyong relasyon at dito mo matutumbok kung ano ang tunay na kahulugan ng iyong naging panaginip. Anuman ang iyong maging reyalisasyon, malinaw naman ang mensahe ng isip mo: kaya mong mag-survive, kaya mong mag-move on!

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspeto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com.