Abante Tonite Interactive

Prenup photos nina Luis-Jessy inilabas na sa IG

By
5,215

NATARANTA ang netizens kahapon sa pinost na photo ng sikat na photographer na si Raymund Isaac. Ang magdyowang Jessy Mendiola at Luis Manzano ang mga bida sa photo na ‘yon ni Raymund na kuha sa Anilao, Batangas.

“@luckymanzano & @senorita_jessy are such a lovely & fun couple to be with. Thank u for making this day more of a pleasure than work,” caption ni Raymund.

Eh, biglang nag-comment si Luis na…
“Thanks kuya sa pre-nup! 🙂 pa send pics please!! ;)”

Na sinagot ni Raymund na…
“@luckymanzano pre nup talaga? Alam ba ng nanay mo yan?”

Siyempre, bumaha ng best wishes at congratulations sa wall na ‘yon ni Raymund, at sa wall ni Luis mismo na may photos din sila na super lambinga ni Jessy ay makikita rin ang mga pagbati sa kanila ng followers nila.

Nu’ng i-chat ko si Luis para alamin kung prenup photo na nga ‘yon, agad namang nag-reply ang binata ni Cong. Vilma Santos.

“Nope! Dumalaw lang ako sa shoot niya,” sagot ni Luis.