Abante Tonite Interactive

Pres. Duterte at Pia Wurtzbach nagkita na

By
6

Nag-courtesy call kahapon kay Pangulong Rodrigo Duterte si 2015 Ms. Universe Pia Wurtzbach kasama ang mga opisyal ng Ms. Universe Organization.

Tampok ng pagbisita ni Pia sa Malacañang ay ang pakikipag-uusap kay Pangulong Duterte sa posibilidad na idaos sa bansa ang Miss Universe.

Napag-usapan din ng Pangulo at ni Wurtzbach ang kanilang pagiging parehong tubong Mindanao.

Kasamang nag-courtesy call ni Pia ay sina Tourism Secretary Wanda Corazon Tulfo-Teo at Undersecretary Katherine de Castro habang sa panig ng Ms. Universe Organization ay sina Paula Shugart (President, Ms. Universe Foundation), Shawn Maclaine (VP for Marketing and Business Development) at Esther Swan (Ms. Universe Foundation Manager).