Abante Tonite Interactive

Pres. Duterte nakipag-selfie na sa media

By
7

Unti-unti nang nagi­ging maganda ang relasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa media na nagkokober sa Malacañang.

Patunay rito, kaha­pon, matapos ang oathtaking ng kanyang mga bagong appointees ay nagkusa pa ang Pangulo sa isang press conference na ikinabigla mismo ng mga reporters.

Bago buksan sa media ang coverage ng oathtaking ay pinagbawalan ang media na mag-interview sa mga appointees o magtanong kay Pangulong Duterte subalit matapos ang mass oathtaking ay lumakad ang Pangulo sa gitna ng Rizal Hall para makapagtanong na sa kanya ang mga mamamahayag.

Matapos ang panayam­ ay nagpaunlak pa si Pa­ngulong Duterte ng selfie­.